Michelle Dee nakagat sa mukha ng alagang aso; DOH muling nag-warning

Michelle Dee
NAKAGAT sa mukha ang Kapuso actress at beauty queen na si Michelle Dee ng kanyang alagang aso.
Ibinahagi ng dalaga sa kanyang Instagram account ang nasabing insidente kalakip ang black and white selfie photo.
Makikita sa naturang litrato ang mukha ng Kapuso star na may gauze pad sa ilalim ng kanan niyang mata pati na sa bandang baba.
Sa isa niyang separate post sa IG, mapapanood ang short video ng pagpunta niya sa isang clinic kung saan agad na ginamot ang mga natamong kagat mula sa kanyang pet dog.
“No matter how much we love your furbabies, never underestimate dog bite! Act (quickly),” ang nakasaad sa caption ng IG post ni Michelle.
Sabi naman ng aktres at singer sa isa pa niyang IG Story post, “My unexpected Tuesday plot twist. Sa mukha ko pa talaga.”
Nito lamang nagdaang buwan, dalawa ang naitalang namatay dahil sa rabies infection, ang una ay ang lalaking nakagat ng aso at namatay makalipas ang siyam na buwan at ang sumunod ay ang babaeng nakagat two months ago.
Taong 2024, nakapagtalaga ang DOH ng kabuuang 426 rabies-related death kaya naman paulit-ulit na nagpapaalala ang ahensiya na pabakunahan na ang mga alagang hayop.
Kung sakaling makagat ng aso, agad na hugasan ang apektadong bahagi ng katawan ng malinis na tubig, sabunin at banlawan. Pagkatapos ay magtungo agad sa pinakamalapit na health center o sa Animal Bite Treatment Center.
Maaari ring alamin listahan ng Department of Health ng mga Animal Bite Treatment Centers nationwide.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.