Diwata hinamon si Rendon: Palakihan nalang tayo ng pagkalalaki!

Diwata hinamon si Rendon Labador: Palakihan nalang tayo ng pagkalalaki!

Pauline del Rosario - June 06, 2025 - 11:02 AM

Diwata hinamon si Rendon Labador: Palakihan nalang tayo ng pagkalalaki!

Diwata, Rendon Labador

MUKHANG napuno na at hindi na nakapagtimpi ang viral paresan owner at content creator na si Diwata sa patuloy na pambabatikos sa kanya ng motivational speaker na si Rendon Labador.

Sa kanyang Facebook post, makikitang hinamon ni Diwata si Rendon bilang lalaki.

Ang kanyang mensahe, “Lalaki sa lalaki tayo! gusto mo palakihan na lang tayo ng pagkalalaki natin? palakihan tayo ng Nota? [laughing emojis]”

Ang sey pa ni Diwata, “Hind ko kasi alam kung tunay na lalaki ka daig mo pa ang bakla [laughing emojis]”

Baka Bet Mo: Rendon sa pagtakbo ni Diwata: Baka akala n’ya magluluto lang siya ng pares

Ang post na ‘yan ni Diwata ay kasunod ng ibinandera ni Rendon na tila inaasar ang una.

Makikita sa FB ni Rendon ang screenshot na ka-video call ni Diwata ang batikang aktor na si Marvin Agustin at may nakalagay na, “‘Wag niyo i-tag si Rendon Labrador baka magalit nanaman, seloso masyado ‘yun! [smiling face emojis]”

Mababasa naman ang tila reaksyon ni Rendon na ang sabi, “‘Yung ngiti ni Marvin may halong pandidiri. Bilib ako sayo kung si Marvin i-content ka kasama ng cochinillo niya na lechon.”

Giit pa niya, “Maligo ka kasi paminsan-minsan.”

Bukod diyan, may caption din si Rendon na pinagsabihan si Diwata: “Tigilan mo na ako sa kaka-TAG Diwata, ambaho na ng news feed ko.”

“Ligo-Ligo din kasi kapag may time,” aniya pa.

Hindi ito ang unang beses na nagkairingan ang dalawa social media personality.

Matatandaang tumindi ang asaran ng dalawa nang tumakbo si Diwata bilang 4th nominee ng Vendors Partylist nitong nagdaang eleksyon.

Isa kasi si Rendon sa mga labis na kumokontra sa pagsabak ni Diwata sa politika, kaya patuloy niya itong binatikos online.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending