Dapat bang ma-bad trip ang babae sa silver engagement ring?

Dapat bang ma-bad trip ang babae sa silver engagement ring at hindi gold?

Ervin Santiago - June 08, 2025 - 07:25 AM

Dapat bang ma-bad trip ang babae sa silver engagement ring at hindi gold?

Stock photo

KUNG ikaw ang girlalu, mabubuwisit at mate-turn off ka ba kung ang isinuot sa yong engagement ring ng iyong dyowa ay silver lang at hindi gold?

Iyan ang tanong ng isang bride to be matapos mag-propose ang kanyang fiancé na nagrereklamo sa natanggap na singsing mula sa kanyang partner.

Naglabas ng sentimyento ang babaeng netizen sa pamamagitan ng open letter na ipinost niya sa Facebook page na Peso Sense kung saan kinukuwestiyon nga niya ang engagement ring na bigay ng lalaki.

“Should i be upset dahil instead of a gold engagement ring ay silver  ring po ang natanggap ko? yes po silver wedding ring yung pang kasal na.

“I know he can afford to get me a gold engagement ring. One of the reason kaya na upset ako is because i know gold is a stronger metal than silver mas naglalast ang gold kaysa sa silver dahil ang silver madali magasgas at kumupas,” simulang reklamo ng future bride.

Pagpapatuloy pa niya, “Don’t get me wrong super love ko ng bf ko and ang saya ko kasi finally he proposed to me, kaya lang di ko akalain ma upset ako ng dahil dito siguro i felt na I am not valuable enough to receive something special.

“Di ko alam sasabihin ko, i tried being ok with it, should i say something to him about it, I appreciate the thought na nag effort siya kaso what he gave me is something the will not last.

“Valid po ba yung nararamdaman ko na to? normal po ba ito? Thank you po sa mga magpapayo,” ang buong laman ng sulat ni Ate Gurl.

Narito naman ang reaksyon ng mga nakabasa sa kanyang open letter.

“Ai sus kami nga walang engagement ring, walang wedding ring, civil wedding, hindi nag celebrate ng  mga anniversaries pero umabot man kami ng 20 yrs. Sa awa nga Panginoon di ko na maalala ang huling away namin. Wala yan sa material na mga bagay, ang importante committed kau sa pinasok nyong buhay. Wala akong hinanakit kay hubby huh kasi pareho kaming di mahilig sa mga material na bagay.”

“Super valid ang nararamdaman mo, and yes, normal na ma-feel mo yan. Kahit pa love mo yung boyfriend mo, hindi ibig sabihin na hindi ka na puwedeng masaktan or ma-disappoint sa mga bagay na may meaning para sayo gaya ng engagement ring.”

“Hindi lang kasi singsing yan, eh. Symbol ’yan ng pagmamahal, effort at commitment. Kung alam mong kaya niya namang bumili ng mas matibay at pangmatagalang ring, tapos silver yung binigay niya, normal lang na mapaisip ka. Kasi gold doesn’t just symbolize luxury, it also symbolizes lasting love, commitment and effort.”

“Pero bago ka mainis ng bongga or lungkot, try mong alamin:
1. Alam ba niya na big deal sa’yo ang ginto vs silver?
2. Baka may dahilan siya — baka may sentimental value yung silver ring or may pinagdaanan siyang process sa pagpili nun.
3. Baka rin inisip niya na mas simple ang gusto mo.”

“Pwede mong kausapin ng mahinahon. Hindi para i-demand ng bagong ring, pero para i-express mo lang yung feelings mo. Sabihin mo na grateful ka sa pag-propose niya, pero gusto mong maging honest na medyo na-hurt ka kasi parang hindi siya nag-invest sa isang bagay na matibay at lasting — just like what you hope your relationship would be.”

“Hindi mo kailangan ikahiya ang feelings mo. Hindi ito pagiging arte, it’s about your need to feel valued. Love is not just about grand gestures, pero love is also about listening, learning, and growing together.”

“Yes, girl — valid ka. And you’re not less grateful or less loving just because may konti kang lungkot. Ang singsing napapalitan, pero ang malasakit sa nararamdaman mo, hindi dapat bale-wala.”

“Kaya nasaktan kc ng expect ka that your man  can give you more,.edi kausapin mo,voice out mo nararamdam mo, wala kming maitulong kahit anong payo kc relasyon nyo yan.”

“Sana yun ibang babae matuto din mag appreciate,mas pahalagan yun marriage di yun  rings at wedding, too much westernized at pabonggahan,nawawalan na minsan ng essence.”

“Silver den saamin , so far ok naman pag sasama namin. pag walang pambili ng gold wag kana mag expect te . dami jan naka diamond ring pero di swerte sa asawa.”

“If u notice he can afford nman dapat legit gold or white gold..if ako man ma disappoint ako.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Why settle for something less? I think not because binigyan tau ng silver is hindi na po yun special. Sabi nga po na how can we appreciate big things if we don’t know how to appreciate the little things. The effort says it all, mahalaga ung pagmamahal at respeto sa bawat isa.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending