Kathryn Bernardo damay sa ‘lowest point’ ni Alden Richards

Kathryn Bernardo iniintriga, damay sa ‘lowest point’ ni Alden Richards

Therese Arceo - May 24, 2025 - 11:48 PM

Kathryn Bernardo iniintriga, damay sa ‘lowest point’ ni Alden Richards

DAWIT ngayon ang pangalan ng Kapmilya actress na si Kathryn Bernardo sa naging rebelasyon ng Kapuso actor na si Alden Richards.

Matatandaang kamakailan ay inamin ng aktor sa kanyang panayam sa “24 Oras” na dumaan siya sa depresyon noong nagdaang taon.

Pag-amin ng aktor, ang 2024 ang lowest point ng kanyang buhay, kung saan mas inuna niya ang pagbibigay atensyon sa ibang tao kesa sa sarili.

Dahil rito ay marami sa mga netizens maging ang ilang fans ni Alden ang nagsasabing marahil ay may kinalaman si Kathryn sa pinagdaanan ni Alden.

Baka Bet Mo: Kathryn Bernardo na-shock sa kantang ‘Nagloko Ka Rin Naman’, Donny tawang-tawa

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Inuuna ko muna lahat ng tao bago sarili ko. But last year, medyo-I think that was my breaking point kasi minsan ‘di ba tayo, we always go out of our way to help other people. Tulong, tulong, tulong. Bigay, bigay, bigay. Ang nangyari sa akin, paglingon ko don sa timba ko, wala na palang natira sa akin. And then that broke me to a million pieces,” pagbabahagi ni Alden.

Walang nabanggit na pangalan ang aktor sa kanyang mga naging pahayag ngunit marami sa mga fans ang nagsasabing maaaring isa si Kathryn sa mga posibleng dahilan.

May mga nagsasabing may koneksyon ito sa hindi pagkakaroon ng Alden ng chance na maging sila ng aktres.

Ito raw ay sa kabila ng efforts ni Alden kay Kathryn ay umasa lang raw ito sa wala.

Agad namang rumesbak ang mga fans ng Kapamilya star laban sa mga pahayag laban sa iniidolo.

Giit nila, hindi dapat palaging iugnay ang pangalan ni Kathryn sa tuwing may interview si Alden.

“Shooting ng HLA hanggang promo THANKS GIVING PARTY NAMATAY LOLO NI ALDEN NANDUN FAMILY BERNARDO.

“Tapos ngaun lhat ng post or interview ni Alden. Kay kATHRYN lhat patama tao paba Kau? anu ba ngawa ni Kath sa inyo bkit ka bitter nyong tao?” saad ng isang fan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Comment naman ng isa, “Sana lang din sa lhat ng bashers ni Kathryn lalo na ung may ayaw kay Kathryn pra kay Alden wag lhat ibato or ipatama kay Kathryn lhat ng post or interview ni ALDEN. kramihan sa inyu lgi nyo snasabi na pina asa at my mayor si Kathryn kung wlang proof wg kumuda.ang mhalaga OK sila.”

Sa kabila ng bangayan ng mga fans ay ang tunay na kawawa rito ay ang Kapuso at Kapamilya stars.

Parehas na may pinagdaraanan ang dalawa last year na parehas inamin nina Kathryn at Alden at hindi nakakatulong ang bamgayan ng fans sa dalawa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending