ChiKapalaran (May 26-June 1, 2025): Alamin ang iyong horoscope

ChiKapalaran (May 26-June 1, 2025): Alamin ang iyong horoscope ngayong linggo

Ervin Santiago - May 26, 2025 - 04:00 AM
ChiKapalaran (May 26-June 1, 2025): Alamin ang iyong horoscope ngayong linggo

GANDANG morning mga Ka-BANDERA all over the universe! Lunes na naman kaya simulan ang iyong araw sa pagbabasa ng ChiKapalaran!

Mga besh, huwag nang magpa-stress sa mga chakang bashers at walang kuwentang Marites in the neighborhood dahil as always, narito ang iyong resident charotera reader na magbibigay gabay sa iyong magulo ngunit makulay at exciting na buhay.

ARIES (March 21-April 19)
Dahil start pa lang ng week, huwag munang pautangin ang isang taong malapit sa ‘yo. Huwag masyadong mabait dahil inaabuso ka na ng mga kaibigan mong pasaway at walang alam gawin kundi ang bolahin ka.

Lucky Color: Dirty White
Lucky Number: 13
Swerte Meter: 3 Stars

TAURUS (April 20-May 20)
Mars, stalker na ang peg mo ngayon dahil lahat na lang ng ipino-post ng taong target mong maging dyowa ay nila-like at pinupusuan mo.

Kung talagang type na type mo siya at hindi na mapigilan ang kalandian, gow! Sabi nga nila, “communication is the key”.

Lucky Color: Gray
Lucky Number: 30
Swerte Meter: 5 Stars

GEMINI (May 21-June 20)
Uy besh, super workaholic yarn!? Kung anu-ano na tuloy ang nararamdaman mo for today’s bidyow kaya minumura ka na ng katawang lupa mo.

Oo, mahirap ang buhay at kailangan mong kumita nang bonggang-bongga pero kalma lang, treat mo muna sarili mo sa spa at masarap na massage para makapag-recharge.

Lucky Color: Yellow
Lucky Number: 29
Swerte Meter: 4 Stars

CANCER (June 21-July 22)
Matutupad na ang matagal nang inaasam at ipinagdarasal na project. Huwag ka nang mag-inarte sa hihilingin ng iyong boss.

Trust the process at masa-shock ka na lang sa pwedeng mangyari. Magbubunga na ang iyong pagiging pabibo kid.

Lucky Color: Yellow
Lucky Number: 4
Swerte Meter: 5 Stars

LEO (July 23-August 22)
Uy, besh stop na sa mga api-apihan role sa life mo. Yes, kailangang maging mabait ka sa kapwa mo pero huwag nang i-tolerate ang chakang ugali ng mga kasama mo sa bahay at sa work.

Pwede namang gumanti kung kinakailangan dahil hindi na uso ngayon ang mga bidang inaapi.

Lucky Color: Pink
Lucky Number: 9
Swerte Meter: 4 Stars

VIRGO (August 23-September 22)
Sundin muna ang payo ng magulang sa kinakaharap na problema. This time, tama sila at mali ka! Parents know best.

Huwag na huwag ding mawawalan ng tiwala sa sarili dahil iyan na lang ang natitirang panlaban mo sa mga kinakaharap na challenge. Itigil na ang self-doubt.

Lucky Color: Orange
Lucky Number: 23
Swerte Meter: 5 Stars

LIBRA (September 23-October 22)

Sipsip ka besh! Iyan ang dahilan kung bakit bad trip sa yo ang mga kasama sa work. Epal na epal na sila sa ‘yo kaya huwag nang magtaka kung bakit hindi ka na nila isinasama sa videoke.

Hindi pa naman huli ang lahat, pwede ka pang magbago para hindi ka na pagkaisahan at gawing pulutan sa office n’yo at sa inuman.

Lucky Color: Navy Blue
Lucky Number: 17
Swerte Meter: 2 Stars

SCORPIO (October 23-November 21)
Mag-ingat sa pilahan ng jeep o UV Express. Hindi porke gwapo o maganda ang nasa tabi mo ay mabuting tao. Check-check mo rin ang bag mo dahil baka kakapa-cute mo ay madukutan ka at manakawan ka.

Ingat ka din besh this week, lapitin ka ngayon ng kamalasan.

Lucky Color: Light Green
Lucky Number: 4
Swerte Meter: 1 Star

SAGITTARIUS (November 22-December 21)
Lavarn kung lavarn lang mars! Don’t let your fears hinder your future. Ikaw pa ba!? Huwag matakot mag-risk dahil ang life ay parang lotto, hindi ka magwi-win kung hindi ka tataya.

Lucky Color: Purple
Lucky Number: 45
Swerte Meter: 4 Stars

CAPRICORN (December 22-January 19)
Keri lang ma-miss ang isang taong naging part ng buhay mo pero huwag ka na uling syunga-syunga sa pag-ibig. Walang kadala-dala yarn!?

Gow! Magbaliktanaw ka pero huwag nang mag-U turn. May tamang taong darating na para sa ‘yo. Wag atat!

Lucky Color: Red
Lucky Number: 18
Swerte Meter: 5 Stars

AQUARIUS (January 20-February 18)
Stop! Stop! Stop na ang pagiging inggitero at inggitera! Pasasaan ba’t mararating mo rin ang inaasam na tagumpay. Basta ang mahalaga, huwag na huwag mong sukuan ang laban.

Mas magiging magaang ang feeling at dating ng blessing sa yo kung walang inggit at galit. Yes, nauna lang sila pero hindi ibig sabihin, huli ka na, besh!

Lucky Color: Bloody Red
Lucky Number: 5
Swerte Meter: 4 Stars

PISCES (February 19-March 19)
Pagod na ba ang beshy ko?! Oh well, rest, rest din pag may time. Wala ka namang kalaban kundi ang self mo. Inhale…exhale. Inhale…exhale.

Chill-chill ka lang muna d’yan. Kung may budget, go ka ng comedy bar para laugh ka lang nang laugh. Kung walang pera, at may wifi naman ang kapitbahay, watch ka na lang muna ng funny vids sa cellphone mo.

Lucky Color: Gray
Lucky Number: 55
Swerte Meter: 3 Stars

Basta mga ka-BANDERA, ang mga nakasulat dito ay pawang gabay lamang. Pwede mong basahin, sundin, o balewalain.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mayroon tayong freewill, gamitin natin ito. Char!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending