Kilalang singer mahirap katrabaho, ang daming reklamo

Kilalang singer mahirap katrabaho, ang daming reklamo: Ang mahal pa!

Reggee Bonoan - May 27, 2025 - 04:03 PM
Kilalang singer mahirap katrabaho, ang daming reklamo: Ang mahal pa!

NANINIWALA naman kami sa kasabihan na “you can never put a good man down” dahil kahit paulit-ulit itong nawala sa sirkulasyon ay mananatili itong nakatayo lalo’t magaling makisama at may respeto sa lahat ng katrabaho.

Nasambit namin ito dahil naalala namin ang magaling na singer na sa kasalukuyan ay tila lumamlam na ang karera niya dahil wala na kaming nababalitaang shows niya o kumukuha ng serbisyo niya.

Iyon pala hindi na siya talaga kinukuha ng ibang producers dahil, “Hirap ka-work niyan, daming reklamo ang mahal pa.  Okay na yung mahal siya, pero kung mai-stress naman lahat ng ka-work niya, ‘wag na lang, ang dami namang iba.”

Nalungkot kami sa kuwentong ito dahil sayang naman ang talent niya dahil magaling siyang songwriter at lahat ng naging shows niya ay successful kahit sa ibang bansa pa.

Ayaw naming isiping lumaki ang ulo niya dahil parang wala naman sa personalidad niya lalo’t magalang naman kausap kapag naiinterbyu namin siya.

“Hindi naman siya kawalan sa part ng management company niya,” sambit ng kausap namin na may alam sa kuwento kung bakit siya binitiwan ng manager niya.

Well, tingin namin ay baka nagkaroon ng inggitan sa ibang kasamang singers dahil kaliwa’t kanan ang trabaho dahil nasanay siyang lagi siyang fully-booked.

“Siyempre hindi naman lahat ng araw Pasko, may panahong ganito lang ang shows mo at yung iba marami, may times din na mas marami ka pero ‘yung iba konti, so, hindi laging ganu’n.  E, big deal pala sa kanya ‘yun! Dapat siya lagi nauuna,” kuwento pa sa amin.

Well, sana kapag nakahanap ng bagong manager ang magaling na singer ay mabago na ang ugali niya na hindi nagustuhan dati sa kanya at ng ilang kasamahan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending