Ex singer-actress ayaw tantanan ang bisyo, nakikitira sa kaibigan

Ex singer-actress ayaw tantanan ang bisyo, nakikitira sa kaibigan

Reggee Bonoan - June 04, 2025 - 05:00 PM

Ex singer-actress ayaw tantanan ang bisyo, nakikitira sa kaibigan

HINDI pa pala nagbabago ang dating singer/actress na minsan nang nabalitang may bisyo kasama ang ilang kaibigan na pilit niyang itinatanggi pero nakunan ng bidyo na nabubulol magsalita.

At dahil magaling talaga ang singer/actress kaya marami ang naghihinayang sa kanya kaya maraming nagpadala ng tulong para ipagamot siya pero tinatakasan naman niya ang center kung saan siya pinadadala.

Ang laging kawiran ng singer/actress, “I’m good, wala naman akong sakit, okay ako.”

Nagsagawa ng research ang isang ahensiya ng gobyerno tungkol sa singer/actress kung bakit umabot ssa ganito ang buhay niya gayung okay naman ang pamilya niya.

Baka Bet Mo: Nora Aunor kauna-unahang morenang singer-actress na inidolo ng masa

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Kulang siya sa pansin, gusto niya siya lagi bida, e, may iba rin naman siyang kapatid na kailangang pagtuunan ng pansin ng magulang niya, spoiled kasi siya, hindi niya matanggap na may kahati na siya sa atensyon,” ito ang kuwento ng aming source.

Natuto raw gumamit ng masamang bisyo ang singer/actress nang magkaroon ito ng boyfriend na may bisyo at sa panahong iyon ay may problem ana ang una sa pamilya.

“Nagustuhan niya nu’ng ipatikim sa kanya ng dyowa, hayun siya na mismo ang nagyaya at naging sugapa na, kaya ang dyowa, iniwan na siya kasi hindi na niya makontrol si (singer/actress).

Sa kasalukuyan si singer/actress ay nakikitira sa mga kaibigan na lagi rin siyang nayayaya sa gimikan at pag magbi-bisyo na ay sa isang bahay ng kaibigan niya sila nagpupunta para iwas-huli raw.

Hindi naman sila inirereklamo ng mga kapitbahay kahit madaling araw na sila dumarating at marami sila dahil hindi naman sila maingay o magulo.

“E, paano nagi-ingay kapag naka-karga na tulog na,” say ng aming source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending