Sikat na aktor walang kuwenta, hindi man lang makumusta ang discoverer

“HINDI na siya nakakaalala kasi sikat na sikat na siya,” ang hinaing ng naka-discover sa kilalang aktor na hindi man lang daw marunong mangumusta.
Nakilala namin ang tunay na nakadiskubre sa sikat na aktor na kababayan niya at dahil gustong mag-artista ay inudyukan ng naka-discover na mag-audition sa network at nakapasa naman.
Palibhasa walang gaanong konek at power ang naka-discover sa sikat na aktor ay ipinakilala ito sa kaibigang talent manager.
“Ang nangyari pinapirma ni ____ (talent manager) si ____ (sikat na aktor) ng kontrata na siya ang manager pati ‘yung kuwento ng buhay niya kung paano siya nakilala ay iniba na at wala na ako sa picture.
“Kaya masama ang loob ko kay ____ (sikat na aktor) dahil hindi man lang mangumusta. Wala naman akong hihingin at hindi ko naman kailangan. ‘Yung tumayong manager niya, balita ko hindi na sila, parang tinanggal na, nabanggit lang common friend namin,” kuwento ng discoverer ng sikat na aktor.
Payo namin sa aming kausap na ipagdasal na lang niya na patuloy na sumikat ang aktor para matulungan niya ang pamilya na siya lang ang inaasahan.
“Oo nga, eh, balita ko naman parang nabigyan na ng pagkakakitaan. Pero parang lumaki na raw ulo niya,” sambit ng discoverer ng sikat na aktor.
Well, una palang naming nakapanayam ang sikat na aktor ay napansin na namin na may hangin kung magsalita at kumilos.
Inisip na lang namin na kailangan niyang gawin para mapansin siya na nangyari naman kaya nga sumikat sa sandalling panahon niya sa showbiz.
Sa kasalukuyan ay maraming offers sa sikat na aktor kaya siguro hindi makaalalang mangumusta sa naka-discover sa kanya kasi busy.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.