Aktres sinisiraan ng dating ka-close, why kaya?

Aktres sinisiraan ng dating ka-close; MTRCB ibinandera ang mga pelikulang rated PG

Reggee Bonoan - May 31, 2025 - 10:31 AM

Aktres sinisiraan ng dating ka-close; MTRCB ibinandera ang mga pelikulang rated PG

“MAY naninira kay (aktres) na dating malapit sa kanya,” ito ang kaswal na chika ng aming source.

Napaisip kami, kung totoong ang dating taong malapit sa aktres ang naninira -ano kaya ang dahilan? Wala namang ginagawa ang aktres sa taong ito?

Masaya kasi ngayon ang aktres sa bago niyang achievement kaya’t maraming humahanga sa kanya at panay ang bati sa kanya kahit na hindi nasusulat ang mga pagbating ito ay laging pinag-uusapan sa umpukan kapag may showbiz events.

Kung ang taong dating malapit sa aktres ang naninira ay wala rin kaming makitang dahilan o kunek dahil base sa pagkakakilala namin ay parang hindi naman makabasag pinggan ito at hindi rin nagsasalita.

Baka Bet Mo: Xian Gaza hindi raw naninira: Paladesisyon lang ako

“Yun nga ang mga nakakatakot, tahimik, hindi nagsasalita so may iniisip na kakaiba, ‘di ba?” kaswal uling sey ng aming source.

Sabagay, kapag nasa umpukan at kasama ang mga kaibigan at napainom ng alcohol ang taong dating malapit sa aktres ay nagiging matabil ang dila nito at tanda namin dati na siya ang dahilan kung bakit sumama ang loob ng sikat na aktor sa kanya na dati rin niyang ka-close.

Anyway, hindi naman apektado ang aktres sa mga naninira sa kanya dahil katwiran niya ay masaya ang buhay niya ngayon dahil sa achievements niya at higit sa lahat masaya ang lovelifye niya

***

Iba’t ibang Pampamilyang Pelikula ang ipapalabas sa mga sinehan ngayong huling linggo ng Mayo, kaya ihanda na ang inyong mga sarili!

Balik-pelikula ang sikat na action star na si Jackie Chan sa “Karate Kid: Legends,” na rated PG (Patnubay at Gabay ng Magulang) ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

Ito na ang ika-anim na edisyon na kung saan tampok ang bagito sa kung fu na si Li Fong, na iniwan ang Beijing at nakipagsapalaran sa New York kasama ang kanyang ina.

Paalala ni MTRCB Chairperson and CEO Lala Sotto-Antonio sa publiko, “Ang mga pelikulang rated PG ay angkop para sa mga batang edad 12 at pababa basta sila ay may kasamang magulang o nakatatanda.”

Tatlo pang pelikula ang nakatanggap ng PG rating: “Isang Komedya sa Langit,” isang likhang Pilipino na pinagbibidahan nina Jaime Fabregas, Edgar Allan Guzman at Gene Padilla.

Tungkol ito sa tatlong pari mula sa taong 1872 at sa hindi inaasahang pangyayari ay napadpad sa taong 2024;

“Nintama Rantaro: Invincible Master of the Dokutake Ninja,” isang animated film tungkol sa isang ninja na naging guro matapos matalo sa laban; ang “Hope Tour Hope on Stage in Japan Live Viewing,” isang live concert sa sinehan tampok ang Korean singer-songwriter na si J-Hope.

Samantala, dahil sa ilang maselang eksena, rated R-13 ang “You Shall Not Sleep Tonight”—para sa mga edad 13 pataas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hinihikayat ni Sotto-Antonio ang pamilyang Pilipino na tangkilikin at mga palabas habang isinusulong ang responsableng panonood.

“Habang ating isinasa-isip ang kahalagahan ng angkop na palabas at responsableng panonood sa ating pamilya, hinihikayat din natin ang lahat na suportahan ang mga pelikulang tampok ngayon sa mga sinehan at maaliw sa mga ito kasama ang ating pamilya,” sabi ni Sotto-Antonio.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending