Kiana V ibinandera ang hugot song na ‘Falling Out’, tungkol sa pagsuko sa toxic love

PHOTO: Courtesy of Kiana V
BALIK-EKSENA ang Filipina R&B powerhouse na si Kiana V with her latest hugot-slash-empowerment anthem na “Falling Out.”
Ito ang kantang saktong-sakto sa mga babae na minsan nang nalunod sa maling pag-ibig at sa wakas ay pinili nang lumaya.
Ilang buwan namahinga sa music scene si Kiana at ang bagong single ay unang patikim pa lang niya sa paparating na full-length album na may 10 all-original tracks!
Ang “Falling Out” ay isang slow-burning R&B track na kumakawala sa pain ng isang toxic relationship.
Aminado ang singer-songwriter na ang kanta ay hugot mula sa sariling karanasan, pati na rin sa mga kwentong inamin sa kanya ng mga kaibigan na tila paulit-ulit ding bumabalik sa relasyon na dapat na sanang tinuldukan.
“The track captures that all-too-familiar feeling of knowing you need to walk away, but staying anyway,” sey ni Kiana sa isang press release.
Baka Bet Mo: Gary V itinuturing na ‘blessing’ ang future son-in-law na si Sandro: ‘Napatunayan niya sa aming lahat…’
At dahil hindi kumpleto ang BANDERA chika kung walang eksklusibong paandar, nakausap natin si Kiana sa isang online presscon kasama rin ang ilang entertainment press at diyan niya inamin na mas tapat at mas direkta ang kanyang pagkukuwento sa kanta.
“I think I’ve been more honest on this one…I’m just being honest, like, let’s look at the situation for what it is and just not try and sugarcoat it,” pahayag niya.
Gayunpaman, pinagtatawanan na lang daw ng young singer ang mga dati niyang drama.
“I found myself laughing about a toxic situation from the past…I never thought I’d be able to do that. But now, I was like, ‘Wow, I’m able to look at this now and find it funny,’ which means I do have the strength to keep going,” sambit niya.
Musically, ang tunog ng “Falling Out” ay super chill pero may undercurrent ng power.
Swabe ang beat, dreamy ang tunog, at parang sinasayaw ka papalayo sa taong sumira sa’yo.
Kiana’s feathery vocals remind us of early 2000s R&B queens like Aaliyah at Tamia, kaya’t perfect ito pang-soundtrack to feel empowered.
At kung excited ka sa buong album—maghintay-hintay lang, mga ka-BANDERA!
Sampung kanta raw ang laman nito at ang theme? Inspired sa kababaihan ng 90s TV shows na hopeless romantic pa, kumpara sa mga babae ngayon na, “treated poorly? Goodbye na agad!”
“I’m intrigued by how women today know how to walk away…I think that contrast is going to connect all the tracks,” aniya.
Sa huli, sinabi ni Kiana na gusto lang niyang magbigay ng sandata sa mga taong paulit-ulit nasasaktan pero pilit pa ring bumabangon.
“Don’t forget yourself, don’t bleed yourself dry for anyone that isn’t willing to do the same for you… Make sure you will be able to love yourself so that you will be able to share that love properly and healthily with others,” mensahe niya.
Ang “Falling Out” ay mapapakinggan na sa lahat ng digital music platforms worldwide.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.