Comelec sa deadline ng SOCE ng mga kumandidato sa halalan: Walang extension!
Eleksyon 2025 - Bandera June 06, 2025 - 01:59 PM

Comelec Chairman George Erwin Garcia
NAGMATIGAS ang Commission on Elections (Comelec) pagdating sa deadline ng Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) ng lahat ng mga kumandidato sa kakatapos lang na 2025 midterm elections.
Sa darating na Miyerkules, June 11, na kasi ang huling araw ng pagsusumite nito.
At mariing iginiit ni Comelec Chairman George Erwin Garcia, hindi na nila palalawigin ang deadline ng SOCE.
Baka Bet Mo: ‘Overspending case’ ni ER Ejercito ibinasura ng Comelec
“Walang extension. Wala kaming plano na magbigay ng extension sa mga hihingi nito. ‘Yun ang deadline, June 11,” sey ni Garcia.
Ikinatuwiran ng opisyal na matagal nang inanunsyo ang itinakdang petsa para sa nasabing submission.
Binalaan din ni Garcia na may kahihinatnan ang mga hindi magsusumite ng SOCE, lalo na ‘yung mga nanalong kandidato.
Sakaling mabigo raw sila sa pagpasa nito ay hindi sila makakaupo sa pwesto at posible pang maharap sa kasong administratibo.
Samantala, ang mga nanalong kandidato na magsusumite ng SOCE ay bibigyan ng Comelec ng Certificate of Formal Compliance na kailangan nilang isumite bago sila manungkulan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.